Written by Nocturnal of YGG Pilipinas.
What is The Sandbox?
The Sandbox is a virtual world where players can build, own, and monetize their gaming experiences in the Ethereum blockchain using $SAND, the platform’s utility token. Their vision is to offer a deeply immersive metaverse in which players will create virtual worlds and games collaboratively and without central authority. The Sandbox is aiming to disrupt the existing game makers like Minecraft and Roblox by providing creators true ownership of their creations as non-fungible tokens (NFTs) and rewarding their participation with its utility token – $SAND.
Source: Sandbox Official Whitepaper
1. Go to The Sandbox’s official website and click “Create account” at the top-right. You can use your email, Google account, or wallet to register. You can randomize avatars while you create your account. If you don’t find anything that you like, you can customize it later.
2. After logging in, you can download The Sandbox by clicking “Download” at the top-right. After downloading the client, install the launcher.
3. Open the launcher, log in, and continue installing the game. Once everything is done, press “Play”.
4. Once you’re in the game, you will be transported to a random Experience in The Sandbox. You can try out the current Experience you’re in to get acquainted with the controls.
Note: NFTs are not required to play the game. However, there are NFTs such as avatars, equipment, lands, etc.
1. Download Metamask or other supported wallets.
2. Go to The Sandbox NFT Marketplace. You can see all the categories there such as Collectible Packs, Avatars, Equipment, Lands, etc.
3. Once you find the NFT that you want, you can see what token is needed to purchase the NFT. Select the NFT and press “Buy”. After that, you will have to connect your wallet.
4. For NFTs that require $SAND, make sure you top up your wallet on Polygon network with $MATIC for gas. For Land NFTs, you will need to top up Ethereum ($ETH) on Ethereum network.
Buy the supported tokens directly from your wallet using a credit card or other payment methods.
Withdraw the supported tokens from any Centralized Exchange (CEX) to your wallet. Just make sure the network is supported.
5. After that, you can purchase any NFTs that you want.
The Sandbox gaming ecosystem consists of three integrated products that together provide a comprehensive experience for user-generated content (UGC) content production.
1. VoxEdit - A free 3D voxel modelling package that allows users to create and animate 3D objects. The created objects can be exported into The Sandbox marketplace.
2. Marketplace - Web-based marketplace that allows users to upload, publish, and sell their creations (ASSETS) made in VoxEdit, as tokens (ERC-721 and ERC-1155 tokens).
3. Game Maker - Anyone who owns ASSETS, either by making them in VoxEdit or purchasing them, can utilize them with the third and most important ecosystem product, the Game Maker and the Game itself. This product, when launched in Game Maker mode, enables users to place and use their ASSETS within a piece of LAND (an ERC-721 token) that they can own in the virtual world. Users can decorate their LAND with ASSETS, and more importantly, implement interesting and nuanced gameplay mechanics by assigning predefined behaviors to the ASSETS through visual scripting nodes, turning a LAND from a decoration experience into a potential full game experience.
Source: Official Sandbox Whitepaper
1. Go to The Sandbox official website and click “Log in” at the top-right.
2. After logging in, click “Avatar” on the menu on the left side. Click “My Avatars” then select your current avatar.
3. Click “Customize avatar” on the bottom-right.
4. You can either choose from a wide range of avatar presets or customize your avatar from head to feet. There are a lot of available clothes to wear as well so make sure to check everything out.
5. When you’re happy with your current avatar, click “Save changes” on the lower-right part of the website.
In the world of The Sandbox, there are many Experiences inside where users can explore, play, do quests, and a lot more. Not only can you play, but you can also socialize with other players, making it feel like you’re in a metaverse yourself.
1. Go to The Sandbox official website and click “Log in” at the top-right.
2. After logging in, click “Experiences” on the menu on the left side. You will see the list of Experiences. You can also see how many players tried each Experience, and whether it is single player or multiplayer.
3. You can click any of the Experiences to see more pictures of the experience, and the description of what you can expect inside. Experiences have various themes such as Gaming, Fashion/Luxury, Entertainment, etc.
4. Once you have decided on an Experience, press “Play” on the right and it will open The Sandbox app. If you already have it open, it will ask you if you want to travel to the said Experience.
Note: Not all Experiences are free. Some Experiences would require the players to hold a certain NFT or token to be able to access them.
🇵🇭 Ano ang The Sandbox?
Ang The Sandbox ay isang virtual na mundo kung saan ang mga players ay pwedeng lumikha, mag may-ari, at pagkakitaan ang mga ‘gaming experiences’ nila gamit ang $SAND, o ang utility token ng mundong ito.
Ang layunin ng The Sandbox ay makabuo ng higit na nakaka-engganyo na metaverse kung saan ang mga players ay malayang lumikha ng kanilang sariling mga games at sila mismo ang namamahala at nagmamay-ari ng mga ito. Taliwas sa mga ibang platforms tulad ng Minecraft o Roblox, ang lahat ng nilikha sa The Sandbox ay maaaring gawing non-fungible token o NFT at ang paglalaro at pakikilahok sa mga ito ay maaaring pagkakitaan ng $SAND.
Paano Magsimula Maglaro sa The Sandbox
Pumunta sa opisyal na website ng The Sandbox at i-click ang “Create account” sa kanang itaas. Maaari mong gamitin ang iyong email, Google account, o wallet para magparehistro. Maaari mong i-randomize ang mga avatar habang lumilikha ng iyong account. Maari mo rin i-customize ang mga ito.
Pagkatapos mag-login, maaari mong i-download ang The Sandbox sa pamamagitan ng pag-click sa “Download” sa kanang itaas. I-install mo ang client pagkatapos mag-download nito.
Buksan ang launcher, mag-login, at ipagpatuloy ang pag-install ng laro. Pagkatapos, maari ka na ng magsimula sa pamamagitan ng pag-click ng “Play”.
Kapag nasa laro ka na, ikaw ay dadalhin sa isang random na Experience sa The Sandbox. Maaari mong subukan ang kasalukuyang Experience na kinaroroonan mo upang makasanayan ang mga kontrol.
Paalala: Hindi kinakailangan ang NFT upang magsimula maglaro. Gayunpaman, may mga NFT tulad ng mga avatar, kagamitan, lupa (Land), atbp.
Paano bumili ng mga NFT para sa The Sandbox?
I-download ang Metamask o iba pang suportadong wallet.
Pumunta sa The Sandbox NFT Marketplace. Makikita mo ang lahat ng kategorya doon tulad ng Collectible Packs, Avatars, Equipment, Lands, atbp.
Kapag nahanap mo na ang NFT na gusto mo, makikita mo kung anong token ang kailangan para bilhin ang NFT. Piliin ang NFT at pindutin ang “Buy”. Pagkatapos nito, kakailanganin mong ikonekta ang iyong wallet.
Para sa mga NFT na nangangailangan ng $SAND, siguraduhing magdagdag ng $MATIC sa iyong wallet sa Polygon network para sa pagbabayad ng gas fees. Para sa Land NFTs naman , kakailanganin mong magdagdag ng Ethereum $ETH sa Ethereum network.
Bumili ng kinakailangang tokens direkta mula sa iyong wallet gamit ang credit card o iba pang paraan ng pagbabayad.
Maari mo rin I-withdraw ang suportadong tokens mula sa anumang Centralized Exchange (CEX) papunta sa iyong wallet. Siguraduhin lang na suportado ang network ng token na gagamitin mo.
Pagkatapos nito, maaari ka nang bumili ng anumang NFT na gusto mo.
User-Generated Content Ecosystem
Ang gaming ecosystem ng The Sandbox ay may tatlong integrated na produkto na maaring gamitin para sa produksyon ng iba’t ibang user-generated content (UGC).
VoxEdit - Isang libreng 3D voxel modelling package na maaaring gamitin para lumikha at mag-animate ng mga 3D na bagay. Ang mga likhang bagay ay maaaring i-export sa The Sandbox marketplace bilang mga NFT assets.
Marketplace - Ito ay isang web-based na marketplace kung saan maaaring mag-upload, mag-publish, at magbenta ng mga likhang assets na ginawa sa VoxEdit, bilang mga NFT token (ERC-721 at ERC-1155).
Game Maker - Sinuman na may assets, kahit pa man gawa ito sa VoxEdit o binili ang mga ito, ay maaaring gamitin ang Game Maker. Sa pamamagitan ng Game Maker maaring gamitin ang mga NFT sa loob ng isang Land (isang ERC721 token) na pagmamay-ari nila. Maaring gamitin ang mga NFT bilang palamuti o gamitin para makagawa ng sariling game mechanics sa pamamagitan ng pag-assign ng mga predefined behaviors sa mga assets gamit ang visual scripting nodes. Kapag bumisita ang mga ibang player sa iyong Land ay maari silang makilahok sa binuo mong laro at maari rin ito pagkakitaan ng $SAND.
Paano i-customize ang Avatar
Pumunta sa opisyal na website ng The Sandbox at i-click ang “Log in” sa kanang itaas.
Pagkatapos mag-login, i-click ang “Avatar” sa menu sa kaliwang bahagi. I-click ang “My Avatars” pagkatapos piliin ang kasalukuyang avatar mo.
I-click ang “Customize avatar” sa ibabang kanan.
Maaari kang pumili mula sa iba't ibang avatar presets o i-customize ang suot ng iyong avatar mula ulo hanggang paa.
Pagkatapos, i-click ang “Save changes” sa ibabang kanang bahagi ng website.
Paano subukan ang iba't ibang experience?
Sa mundo ng The Sandbox, maraming Experience kung saan maaaring mag-explore, maglaro, o gumawa ng mga quest. Maari ka rin makihalubilo sa ibang mga manlalaro sa loob ng metaverse na parang nasa aktual na mundo.
Pumunta sa opisyal na website ng The Sandbox at i-click ang “Log in” sa kanang itaas.
Pagkatapos mag-login, i-click ang “Experiences” sa menu sa kaliwang bahagi. Makikita mo ang listahan ng mga Experience at kung gaano karaming manlalaro na ang naglaro nito, at kung ito ay single player o multiplayer.
Maaari mong i-click ang alinman sa mga Experience upang makakita ng preview at deskripsyon nito. Ang mga Experience ay may iba't ibang tema tulad ng Gaming, Fashion/Luxury, Entertainment, atbp.
Kapag nakapili ka na ng isang Experience, pindutin ang “Play” para mag-launch ito sa The Sandbox app.